• Good News

Profile
Aya Morales

#5YEARSFROMNOW

Where do I see myself 5 years from now? Siguro meron na akong sariling business, nasa bahay nalang together with my kids, nakatira sa sariling bahay at may time para sa mahal sa buhay at sa sarili ko. Today, I am looking for so many ways para makatulong sa aking asawa kumita, magkaroon din ng sariling income at to lift up myself and build up my self confidence again.

I am Stay At Home Mom. I experienced postpartum syndrome, siguro until now. Because of anxiety and depression, I was about to end up myself, suicide. Pero biglang lumiwanag ang paligid ko, it seems may bumubulong sakin na bumangon daw ako, and nakikita ko yung baby at husband ko sa liwanag na masaya at tinatawag ako. So I stood up and wipe my tears and took away the scissor. Sabi ko sa sarili ko, "no! Kailangan ako ng asawa at anak ko"

I shared all my thoughts sa husband ko. Lahat ng sama ng loob ko at nararamdaman ko. I'm so thankful that my husband is very supportive and he always cheer me up. I said to him na gusto kong mag online business para atleast may pagkaabalahan ako. So, nagresell ako ng phone accessories, apparel and beauty products. Narealized ko na nag-eenjoy ako sa pagresell ng beauty products so I continued selling it until now. 

One time, nagchat yung childhood friend ko and she offered me a business proposal. Sabi nya, kung gusto ko mag graphic designing since magaling naman daw ako magdrawing since high school. Sabi ko, sure. Nagdedesign kasi ako ng mga pinopost at prinopromote ko online ng mga products ko and hobby ko na din mag graphic design pero hindi pa ko magaling kasi nagpapractice palang ako. So ayun, pinagusapan namin paano kami mag-uumpisa at kelan kami mag sstart.

Dahil sa offer nya, para akong nagkaroon ng purpose. Nakakapagset na ulit ako ng goal ko at unti-unti kong nalilift up and sarili ko. Kung dati, down na down ako dahil tingin ko, hanggang doon na lang ako. Sa bahay, nag aalaga at nag-aasikaso sa bahay, hindi na ko makapagwork at tingin ko para akong walang silbi. Pero ngayon, naging positive ako, naeenjoy ko na ang ginagawa ko kahit nasa bahay lang ako at hindi na nagwowork sa office. Nakapagset ako ng goal ko at nagkaroon ako ng purpose ulit sa buhay.

Sobrang thankful ako kay God dahil siguro, pina-experience nya lahat yun sakin para madiscover ko ang sarili ko, magkaroon ako ng purpose at goal sa buhay at pinapaalala nya na nandyan lang sya, hindi nya ako pababayaan. Naging optimistic ako at narealize ko na tuloy lang ang buhay dahil may solusyon sa bawat problema.

Comments

1 Comments
  • Ron Cedric
    Aug 02, 2020 15:11
    Goodluck with that 💜💜