Sabi nila, wala nang mas hihigit pa sa pagmamahal ng isang ina sa kaniyang anak. Bago ko e salaysay ang kwento ng isang anak na araw araw inaakyat ang bintana ay haharanahin ko kuma kayo pero hindi isang kanta kundi isang Tula na Sulat ni Nanay at Tatay Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensyahan. Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan, huwag mo sana akong kagagalitan. Maramdamin ang isang matanda. Nagse-self-pity ako a tuwing sisigawan mo ako. Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan ng “binge!” paki-ulit nalang ang sinabi mo o pakisulat nalang. Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako. Kapag mahina na tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad. Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit ulit na parang sirang plaka. Basta pakinggan mo nalang ako. Huwag mo sana akong pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan. Natatandaan mo anak noong bata ka pa? kapag gusto mo ng lobo,paulit-ulit mo ‘yong sasabihin, maghapon kang mangungulit hangga’t hindi mo nakukuha ang gusto mo. Pinagtiyagaan ko ang kakulitan mo. Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy matanda na, amoy lupa pa. Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang katawan ko. Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan. Natatandaan mo noong bata ka pa? pinagtiyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo. At ang hirap mo pa bihisan lalo na pag susuotan ka nga diaper Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako’y masungit, dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin. Kapag may konti kang panahon, anak magkwentuhan naman tayo, kahit sandali lang. inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap. Alam kong busy ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik na akong makakwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kwento ko. Natatandaan mo anak, noong bata ka pa? Pinagtiyagaan kong pakinggan at intindihin ang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy bear. At kapag dumating ang sandali na ako’y magkakasakit at Nakaratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong pagsawaan alagaan. Pagpasensyahan mo na sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan, pagtiyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay. Tutal hindi na naman ako magtatagal. Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking kamay at bigyan mo ako ng lakas ng Loob na harapin ang kamatayan. At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha, ibubulong ko sa kanya na pag palain ka sana … dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama’t ina Very touching.ng Tula iyak parin me. I became emotional kasi I’m just so grateful to have them as my parents. Wala silang hahangarin sa buhay mo kundi pawang kabutihan lamang… what’s the best for you.. Naranansan nating magipit. Kadalasan nating solusyon ay humingi sa magulang o mangutang sa kakilala. Ang mga magulang natin, mas madalas silang gipit, at kahit gusto nilang humiram o humingi ng tulong sa atin, hindi na lang nila sinasabi sa atin dahil mas gusto nilang maging okay tayo at hindi magipit. It breaks my heart na di nila sinasabi na may need sila pero siguro tayo nalang yong mag initiate na mag ask. Even when time comes, that they need to go, I’m sure, the only love that we won’t forget and regret among all the people that we have in our life, is from our parents. Wala silang katumbas. And sila yong great blessing na binigay ni Lord. Sa aking mga magulang, maraming salamat at mahal na mahal ko po kayo! Love you Ma and Pa! soooo balik tayu sa kwento mga kasuki labs noh? Anak, araw-araw inaakyat ang bintana ng ICU para silipin ang Ina na nag-p0sitib0 sa C0’VID hanggang sa huling hininga nito Hindi daw nito matitiis ang kaniyang sariling supling. ngunit sa isang larawan na nag viral sa social media, tila isa itong patunay na mayroong hindi lamang ina ang lubos na nag mamahal kung hindi pati na din ang kaniyang anak. Makikita sa larawan ang isang lalaking nakasampa at nakadungaw sa salamin ng isang kwarto. Napag-alaman na ang tao pala na kaniyang sinisilip at binabantayan ay ang kaniyang ina na si Rasmi Suwaiti na kung saan ay napag alamang positibo sa C0’VID at bukod pa doon ay mayroon itong leuk3mia. Dinala sa Hebron State hospital ang ginang sa West Bank at inadmit sa Intensive Care Unit o ICU. Ngunit dala ng safety measures, hindi pinayagang makapasok doon ang bunsong anak na si Jihadd Al-Suwaiti. Sa sobrang pag mamahal at pag aalala nito sa ina, gumawa siya ng paraan upang makita ito. araw- araw nitong binibisita ang ina sa pamamagitan ng pag akyat sa pader at manatiling naka- upo sa may tapat ng bintana ng ICU Matiyaga itong inulit ulit ni Jihad hanggang sa huling hininga ng kaniyang ina. Noong July 16 nang bawian ng buhay ang kaniyang ina. Sa kasamaang palad, hindi ito inabot ni Jihad pagkat naganap ito ng ilang sandali matapos niyang umuwi Nang ibalita sa binata ang nangyari sa kaniyang ina ay hindi ito lubos na makapaniwala at dinamdam ang pagkawala nito. Ang pamilya nila Jihad ay maagang naulila sa haligi ng tahanan noong siya ay 15 na taong gulang pa lamang siya kaya ganoon na lamang kasakit sa kanya na ma wala muli ang kaniyang kaisa- isang magulang na natira. Mga Kasuki Labs kung na gustuhan nyo ang kwento at na iyak kayo ay bigyan natin nag Like ang videong ito para narin sa respito at saludo ng mga inay natin at baka naman..maka hingi na rin ng Subscribe at pindotin ang bell sa gilid para kung meron akong bago video katulad nito ay update ka kung gusto nyo mag pa shout out ay mag comment nalang sa baba Maraming salamat kasuki baboossssh!
Comments