Help me to my Youtube Channel just Click SUBSCRIBE and LIKE, Thank you! "When are you going back home? When will you embrace me?” Ilan lang iyan sa mga tanong ni RC sa kanyang mga magulang na para sa kanila ay napakasakit pakinggan. Wala kasi silang maisagot dahil sila mismo, hindi tiyak kung kailan sila gagaling -- kung gagaling pa sila. Hindi nila alam kung makakauwi pa sila sa anak. Parehong medical frontliners sa United Arab Emirates ang mga magulang ni RC. Ang ina niyang si Christine at ang ama niyang si Raymond, parehong nagpositibo sa COVID-19. Kinailangan nilang magkalayo sa isa’t isa para hindi mahawa ang bata. Tanging ang video call lang ang paraan para maibsan ang pangungulila ng kanilang unica hija. Magkapiling pa kaya ang pamilya?
Comments