We all are saddened by how this Pandemic changed our lives. Hence, I thought of a way to express my current feelings through writing this poem. I hope this would also give inspiration to others who doesn't have an outlet to express their grudges. This poem is entitled "ANG TULANG ITO" Ang tulang ito ay para sa lahat ng naghahanap ng kanilang halaga, sa taong hindi naman mahalaga Ang tulang ito ay para sa lahat na naghahanap ng lugar nila, sa lugar na di naman dapat sila lumulugar Ang tulang ito’y maaring nakakalito, subalit paumanhin sapagkat ako rin sa ngayon ay tuliro Mahirap simulan ngunit mas mahirap atang pakawalan Nasanay ka nang laging andyan, mga taon at oras ay ginugol mo upang pag-ibig moy mapatunayan Ano nga ba ang meron sya na wala sa iba? Ah mali, ang dapat na tanong pala’y “ano nga ba ang dapat mo pang masaksihan upang makita lang ang sarili mong kahalagahan? “mahal ko kaya titiisin ko” sabi ng mga taong lubos na umiibig sa mga taong di naman kaibig ibig Habang kayo’y magkaaway, meron naman syang ibang kaagapay Gising ka buong gabi, lumuluha’t nag iisip kung paano babawiin ang mga salitang lumabas sa iyong labi Habang sya’y andun nakangiti sa kaduo nyang hindi naman magaling mag hanabi. Sa konteng mga talatang naisulat ko, sana’y maisip mo na may darating na taong makikita ang halaga mo. Taong alam ang gagawin pag hindi mo alam ang daang tatahakin. Taong kayang hawakan ang kamay mo tuwing akala moy tinalikuran ka ng mundo. Kaya ang tulang ito ay upang bigyan ka ng paalala, na di mo kailangan pagsisihan na iyong iniwanan ang limang taon nyong pagsasama upang hanapin ang iyong halaga. Kaya sana’y bigyan mo ng pag-asa ang taong ibibigay ang pagmamahal na nararapat sayo. Ngayon ang tanong ko’y nakatulong ba ‘Ang tulang ito’?
Comments