• Good News

Profile

Bakit Kita Dapat Tulungan?

Bakit ba kita dapat tulungan? Sa panahong ito na tayong lahat ay may pangangailangan, hindi ba marapat na unahin ko muna ang aking sarili bago ang kapakanan ng iba? 

Ganyan tumatakbo ang ating isipan pero taliwas yan sa gusto gawin ng ating kalooban. May pagkakataon na gusto natin tumulong pero napangungunahan tayo ng opinyon ng mga taong nakapaligid sa atin. Nagkalat ang mga komento at nakalathala sa facebook at iba pang social media patungkol sa mga kababayan nating nangangailangan ng tulong. Pero maging tayo ay tila walang kakayahang tulungan sila kahit nakakaluwag tayo sa buhay.

Bakit nga ba?

Dahil pinangungunahan tayo ng pagdududa. Na kesyo scam, modus, manloloko. Kaya karamihan sating mga kababayan ay lalong nawawalan ng pag asang maitawid ang isang araw na pagtitiis. 

Natural sa atin ang magmarunong, magbitiw ng mga salita na tila ba nakakaalam at nakakaunawa sa lahat ng nangyayari. Pero sa kabilang dako ay hindi pala. 

Bakit kita dapat tulungan? Siguro ay para maranasan mo ang kaginhawahan na nararanasan ko. Siguro ay para man lang, kahit hindi ngayon, ay maisipan mo sa darating na panahon na tumulong rin sa iba. Siguro ay para kahit papano may maramdaman mo na hindi pa ka rin pinababayaan ng lumikha sayo. 

Tama ba ang paghingi mo ng tulong o isang malaking kasinungalingan. Hindi na siguro sakop ng pakikealam ko iyan. Araw araw naman tayong nabubuhay para itama ang mali at mapalago ang tama. 

Tutulungan kita upang makapagsimula ka. Pero wag naman sanang gawing paraan upang lokohin ang iba. 

Comments

0 Comments