Minsan gusto ko na lang bumalik sa nakaraan at maging bata ulit. Nakaka inis pero totoo na minsan talaga gusto natin bumalik sa pagiging bata. Kasi dati wala tayong pinoproblema diba? Maglalaro lang tayo maghapon, kakain, tutulog. Ang problema lang natin nung bata pano tayo makakatakas sa pag tulog sa tanghali diba tapos papaluin tayi ng hanger ng magulang natin pag hindi tayo maturulog ng tanghali hahahahaa lahat tayo yan yung pinoproblema tama? Napapatawa ka no? Kasi namimiss yung panahon wala pang cellphone, hindi mo pa alam umibig, hindi mo alam yung halaga nung pera diba? Ang mahalaga lang satin dati yung may kalaro tayo at bati natin yung kalaro natin kasi hindi natin bati hindi tayi isasali sa laro nila tama diba? Hahahaha. Nakakamiss lang sobra. Pero ganun tumatanda tayo marami ng resposibilidad na napupunta satin. Yun nga lang hindi natin kaya labanan yung panahon eh. Pero saya balikan lahat dati kasi dun tayo namulat sa mga na alam natin mag papasaya satin kahit simple lang. Kaya habang nabubuhay tayo magpasalamat araw araw kasi napaka saya mabuhay at mahiwaga kasi maraming mangyayari satin na hindi natin alam. Enjoy araw araw kaibigan haaaa. Wag mong kakalimutan yung mga nakaraan sa buhay natin haaaa. Salamat sa pag babasa.
Comments