• Good News

Profile
Leila Bation

COVID 19 TRAGIC STORY

Dumadaundong na ingay.
Garalgal na sigawan, nababalot ng galak at di magkamayaw na alingawngaw.
Nakakarinding kasiyahan, sa mga kalyeng nag gigitgitan,
mga pasyalan, palengke at ibat ibang parte. Bawat isa ay may kanya kayang buhay, nasaan si nanay? Hayun at nagbebenta nanaman, nasaan si tatay? Naku, busy, sa duty. E si Kuya Kaya? Ah oo nga, nasa barkada, si ate ayun nag aaral, shhhh wag kayong maingay baka siya ay, magalit nanaman. Hayy heto nanaman si bunso, walang kalaro, inaway pa ako ng ibang bata sa kalye kasi mahina ako. Kaya ito mag Isa nalang ako, wala man lang akong mapagsumbungan hmm.
Isang umaga pag gising ng bawat Isa, tumigil ang mundong ginagalawan nila, mga lansangan nabalot ng puot, takot at ingay ng katahimikan. Magdasal tayo, nang lahat ito ay matapos na sambit ng kayang tatay, Tama Ka diyan mahal, Hali kayo mga anak tayoy magdasal lahat. Nagtipon ang buong pamilya subalit si bunso ay Tila masaya?
Bunso: Tama ako masaya, ngayon lamang na Kompleto ang asking pamilya, sa umaga, tanghalian at Pati na rin sa gabi, dati rati may ibat ibang oras ng pagkain, ngayon sabay sabay na kami. Yey , sobrang Saya ko. 
Dumating ang pinakahinihiling ni bunso ang magkasalo Salo sila. Lumipas ang ilang araw, ang di makitang kalaban ng Mundo ay mas lalong kumalat, tuluyan na lamang nawalan ng trabaho ang maraming Tao, kabilang na doon kayang nanay at tatay.
Ate: Hay, omg mom I need a new laptop, a new cellphone and wifi, our online class is pushed through. I need it right away, please. Sambit ni ate 
Mom: Anak, baka hindi ko kayanin yan, wala na tayong Pera ngayon, ang iyong tatay ay walang trabaho, ako rin ay di makalabas ng bahay sapagkat senior na ako.
Ate: Omg like oh my gosh. So I need to stop? Like, di na ako mag eenroll.
Mama: Naku hindi anak gagawan ko Yan ng Paraan.
Tatay: Hay, mukhang kailangan ko ng mag trabaho, wala ng makain ang pamilya ko. Alam ko na, mag deliver na muna ako, total in demand in demand naman ngayon ang delivery.
Kuya: Ano Bayan! Di man lang makalabas, gusto ko na gumala sa barkada tsk tsk tsk. Nagrereklamong ika ng kanyang Kuya.
Bunso: Bakit ganun, ito naman ang hiniling ko, ang kasama ko sila pero bakit parang di sila masaya? Paulit ulit na tanong ni bunso. Wala pa rin akong makalaro kahit nandito sila malayo ang isip Nila. Dagdag niya. Ikaw nalang panchot, wof wof wof
Kinaumagahan. Tay saan po kayo Punta?
Tatay: Anak magttrabaho lang ako biglang isang delivery boy.
Ate:  What? Delivery boy? That's dangerous baka later may makaharap kayong may virus. But, it's okay just take care nalang coz I badly need money for my online class.
✅ Lumipas ang mga araw at Tila ba di parin nakakaluwag ang pamilya.
Bunso: Gustong gusto ko ng maglaro at mamasyal, hindi naman ito yung hiniling ko, ngayon ko lang naiintindihan Kung bakit kailangan nlang umalis, Para hindi namin Marana San ito. Sobrang nagtatampo ako Kay mama Lalo na Kay papa pero Para saamin lang din Pala ang ginagawa Nila. Si papa hindi ko man lang nakita sa mga masasayang parte ng byhay ko, di ko siya pinapansin, lumalayo ang loob ko sakanya dahil wala siyang oras Para tanungin ako Kung okay lang ba ako. Ngayon, nagkasama na ulit kami pero hindi siya masaya kasi nagugutom kami Kung nandito lang siya. Kinalaingan niya ulit umalis pero dalawang linggo na di parin siya umuuwi, Sabi niya magdedeliver lang siya ng pagkain sa kabilang Bayan, nasan na Kaya siya? Gusto ko Sana mag sorry sakanya. 
Lumipas, ang Ilan pang mga araw, wala parin ang kanilang tatay, malaling problema ito, para sakanila.
Ate: I am regretting, I demanded a lot from him, I didn't even ask him if okay lang siya or not. I'm sorry papa, please come home na, I realized I don't really need those material, kasi all I need naman is kompletong family. Hmmmmm nagsisising Sabi ni ate
Kuya: Matanda na ko hay. Pero di man lang ako tumulong sa pamilya ko, puro ako barkada Kung Sana pinag buti ko ang pag aaral ko, Sana, Sana nakatulong na ako. Hayyy hindi Sana naglalabandera si mama Para pakainin kami. Baka pagod na si papa saamin, Kaya di na siya umuwi.
Isang umaga: Arf Arf Arf Arf arf
Tao po, Tao po, taoo po,
Nanay: Hello sino po sila?
Kami ay galing saaaaaa-------------
Bunso: nay! Bakit po?
Sister: What happened mama?
Panay ang hagulgol ng kayang Ina. Anong nangyari? Ano kayang nangyari?
Bunso: Napakadaya, nagsisisi ako sana noon ko pa sinabi ang lahat ng gusto kong sabihin.

Todo ingat kami Laban sa virus, lahat ginawa namin upang makalayo sa kalaban na animoy anino, di alintana ang sakit na kanila ng nadarama. Pagkatapos ng lahat ng pag iingat, palaging paghuhugas, palagiang pag gamit ng mga panangga sa sakit. Si itay ay hindi nakaiwas sa pagkamatay nauwi ang magiting na tatay. Ang sakit na dulot ng virus ay hindi ang dahilan kundi sobrang pagod na umabot sa isang bangungot na trahedya. 

At diyan na nagtatapos ang kwento ng Magiting na Ama. 
 

Comments

4 Comments