TINGNAN: Patuloy ang pagsasaayos ng Department of Engineering and Public Works (DEPW) ng mga center islands sa Tondo area. Pinangunahan ngayong Huwebes, ika-13 ng Agosto, ng Highway Division I ng DEPW ang pagsasaayos ng center island sa MICT Road corner Road-10 Service Road. Ang isinagawang hakbang ay bilang paghahanda sa gagawing landscaping works upang mapanatiling malinis at maaliwalas ang kapaligiran sa lahat ng oras -- FMO #AlertoManileno
Comments