ANG BATANG KINUKUTYA NOON, MAIPAGMAMALAKI NA NGAYON. Alam niyo ba kung ano ang mahirap? Iyon ay ang maging isang dukha. Mahirap kasi kasama na ang pangungutya ng ibang tao. Mas lalong naging mahirap kasi hindi nakapagtapos ng pag-aaral ang apat kong mga kapatid. Pero hindi ko ito ikinakahiya kahit na sila ay hanggang Grade 2, 5, 6 at yung isa di na inabot ang makapagtapos ng 4th year high school. Sa aming mga magkakapatid, ako ang nakatungtong ng Kolehiyo. Kumuha ako ng kursong Edukasyon. Bata pa lamang ako, kinahiligan ko na ang magturo sa aking mga kalaro. Kung kaya sa Elementarya pa lamang pinag-igihan ko na ang aking pag-aaral hanggang sa Sekondarya. Hindi ako matalino tulad ng ibang mga bata pero ang isang maipagmamalaki ko ay mayroon akong pangarap sa buhay, at ang pangarap na iyon ay unti-unting natutupad simula noong nakapag-aral ako sa Kolehiyo. Sa aking pag-aaral, minsan na akong nadapa at nagkamali sa mga desisyon ko sa buhay, kaya naman simula noon, maraming mga tao ang kumutya at humusga sa aking pagkakamali. Nakakapanliit at sobrang nakakahiya, ganon naman siguro kapag nakakagawa ng isang pagkakamali. Naniniwala ako na kailan man hindi maitatama ng isang pagkakamali ang isa pang pagkakamali. Kaya naman sa muling pagbangon ko, sinigurado ko na lahat ng desisyon na aking gagawin ay tama at naayon sa pangarap na aking gustong marating. Ngayon sa gitna ng pandemya, isang bata ang magtatapos sa kursong, Bachelor of Elemetary Education Major in General Education sa Don Honorio Ventura State University, Porac Extension Campus. Hindi mapagsidlan ang saya dahil sa dami ng aking mga pinagdaanan, masaya man o malungkot, sa wakas ay makakapagtapos na ako sa Kolehiyo. Ang karangalan na ito ay susi ng aming Pamilya, ito ang magiging daan para maiangat ang antas ng aming pamumuhay. Salamat sa lahat ng mga taong hindi nagdalawang isip para tulungan ako para lang mapagtagumpayan ang aking pangarap na maging isang Guro. Salamat sa mga taong nilapitan ko sa oras ng aking pangangailangan. Salamat sa lahat ng mga taong tumanggap sa akin sa kabila ng aking maling desisyon at pagkakamali sa buhay. SALAMAT SA DIYOS na simula sa aking pagdapa hanggang sa aking pagbangon ay inalalayan ako sa lahat ng bagay. Ang TAGUMPAY na ito ay hindi lamang para sa akin, kundi ang TAGUMPAY na ito ay para sa lahat ng mga tao na naniwala at sumuporta. Sa aking Pamilya, INAALAY ko ang TAGUMPAY na ito sa inyo. Ako po si Kenneth Rodriguez Macabulos, ANG BATANG KINUKUTYA NOON, MAIPAGMAMALAKI NG TULUYAN NGAYON. KUDOS! BATCH 2020 TO GOD BE THE GLORY!
Comments