Liga NEWS BEAT! Dalawang Generator sets ang natanggap ng mga Punong Barangay sa lungsod ng Calamba mula kay City Mayor Justin Marc “Timmy” Chipeco. Ito ay bilang tugon sa malawakang power interruption na naganap noon pang sumabog ang bulkang Taal. Laking pasasalamat naman ni Liga ng mga Barangay (LNB) President Reginald C. Oliva matapos mapagkalooban ang lahat ng mga miyembro ng LNB ng nasabing gensets dahil magiging malaking katulungan ito sa bawat barangay lalo na at hindi nawawalan ng mga bagyong dumaraan sa Calamba. “Never namang nakalimot si Mayor Timmy sa paggabay sa ating mga kapitan. Sunod sunod ang kinaharap nating problema simula pa lang ng taon at magpahanggang ngayon ay kasama namin s’ya. Kaya in behalf ng LNB Calamba thankful tayo sa pagkakaroon ng working Mayor,” saad ni Oliva. Bukod pa sa generator sets na ipinamigay layunin din ng Pamahalaang Panlungsod ng Calamba na tutukan ang Balik Kabuhayan project para sa mga Calambenyong nawalan ng hanapbuhay dahil sa banta ng COVID-19. Nakikipag-ugnayan naman ang LNB sa IIPESO para palakasin ang Barangay Employment Service Unit (BESU) upang masigurado na mas magiging madali ang pagbabalik trabaho ng ilan sa mga mamamayan ng lungsod ng Calamba. “Dire-diretso ang ating programa kontra COVID-19 at mapalad akong hindi ako nag-iisa sa pagtugon sa mga pangangailangan ng pandemyang ito dahil kasama ko ang 53 pang punong barangay sa labang ito,” sabi pa ni Oliva.
Comments