• Good News

Gods Message for the day

IKAW BA AY PALAGING NAKA KARANAS NG MATINDING PANGHIHINA DAHIL SA ARAW ARAW MONG PROBLEMA ? 

Kapatid isa ako sa mga libo - libong kabataan na dumanas ng matinding panghihina tuwing mag kakaroon ako ng * Family problems ,  * Broken problems at iba pa , tulad niyo na bisyo naging takbuhan ko at comfort ko ng ilang taon , tinalikuran ko lahat ,  pamilya at ang lumikha sa mundong ito which is wrong . Dumating ang panahon na muntik na akong mapahamak dahil sa mga pinili kong kasama at bisyo na akala kong pansamantalang makakatakas ako sa sakit . Pero laking gulat ko dahil kahit nadisgrasya ako eh buhay pa din ako . Sa mga panahong kailangan ko ng kasangga at katulong sa mga babayarin sa ospital nawala lahat ang mga kasama ko sa saya na tinuring kong pamilya , Hanggang meron nag open sakin na mag balik loob sa Ama . Nung una akala ko walang mangyayare , hindi na ako tatanggapin ng Ama dahil sa dami ng nagawa kong pag kakasala . Sinubukan ko manalangin muli at mag basa ng Bibliya . Sa una ay wala lang at nalilito ako kung saan mag sisimula pero nakalipas ang ilang araw unti unti ko ng nakasanayan ang maliit na pag babago mula sa aking nakasanayan noon . Nung una akala ko hindi totoo pero dahil sa simpleng pagtitiwala ko sa taas? Kasabay non ang pagka wala ng mga taong alam kong hindi makakabuti sa akin , kasabay ng pag kawala ng mga bisyo ko paunti unti at  unti unti ko ng nakikita ang importansya ng sarili ko sa mundo at ramdam ko ang mga biyayang binibigay sakin at sa pamilya ko araw araw kahit maliit pa yan tulad ng magkakasama padin kami , walang tinatamaan ng pandemya sa amin , nakakain kami ng tatlo o higit sa isang araw at iba pa ,  pansin ko din na nabawasan ng malaki ang mga dumadating na problema sakin .

Dahil sa kagustuhan kong magbago hindi naging mahirap sa akin ang bumalik sa Ama . Kaya kapatid kung kayo mismo nakakaramdam ng takot dahil sa mga kasalanang nagawa nyo sa nakaraan ? lagi niyong tandaan na hindi tayo huhusgahan ng Ama , talikuran lang natin lahat ng kasalanan natin at lumapit sa kanya . WALANG IMPOSIBLE SA AMA NA GUMAWA AT NAGBIGAY NG BUHAY SA ATIN .

Be grateful for everything you have even in a little things happened into your life so that our Lord give his unconditional love and promise to all of his sons and daughters . 


ROMANS 10 : 09 - 10

 '' If you confess that Jesus is Lord and believe that God raised him from death you will be saved.For its by our faith that we are put right with God . It is by our confession that we are saved. '' 

PSALMS 32 : 05 
       
  '' Then I confessed my sins to you , I did not conceal my wrong doings . I decided to confes them to you and you forgave all my sins . ''

Comments

0 Comments