• Good News

Profile
Yu Mi

#HOWTOPROMOTEPOSITIVITY

MAG ISIP NG POSITIBO, MAGING POSITIBO HUWAG LANG SA COVID19

          Sa buhay hindi natin maiiwasan na maging negatibo lalo na at sa panahon ngayon ay maraming hindi magandang pangyayari. Sa panahon ngayon na may pandemya hindi natin gugustuhin na maging positibo sa COVID19 subalit maging positibo sa pag-iisip at maging positibo sa kabila ng pagsubok sa buhay. Gusto ko na ibahagi sa inyo ang 15 quotes na galing sa mga kilalang tao na nakaranas din ng ups and down sa buhay subalit nanatili parin sa kanila ang pagiging positibo.

1. "KEEP YOUR FACE TO THE SUNSHINE AND YOU CAN NOT SEE A SHADOW"
-by. Helen Keller
           Gaano man kadami ang mga negatibong bagay na iyong kinakaharap palagi parin positibo ang mananaig. Kung ikaw ay nasa sitwasyon na pakiramdam mo ikaw ay hindi masaya, galit, malungkot, naliligaw at iba pa na negatibong pakiramdam, subukan mo na isipin iyong mga magagandang bagay sa buhay mo kahit sobrang liit ng bagay na iyon siguradong mababawasan ang timbang ng negatibong nararamdaman mo. Ang mga positibong bagay ay mas mabuti sa negatibong bagay. Palagi tayong humanap ng magagandang bagay sa ating buhay, palagi natin hanapan ng positibo ang lahat ng bagay at sitwasyon kagaya ng sunflower na palaging nakaharap sa sikat ng araw kaysa sa anino.

2. "ONCE YOU REPLACE NEGATIVE THOUGHTS WITH POSITIVE ONES, YOU'LL START HAVING POSITIVE RESULTS."
-by. Willie Nelson
            Ang pagiging positibo ay isa sa mga susi na makakatulong sa atin upang matupad natin ang layunin natin sa buhay. Kung tayo ay hindi positibo sa buhay mahihirapan tayong mapunta sa destinasyon ng buhay na gusto natin. Alam naman natin na hindi natin maiiwasan ang mga negatibong sitwasyon sa buhay kaya huwag natin hayaan na manaig ang negatibo sa ating isipin, huwag natin hayaan na sakupin ng negatibo ang ating isipan, hangga't maaari palagi natin palitan ng positibo ang mga negatibo na iyon. Mahalaga na palagi tayong positibo sa buhay. Makakatulong sa ating isipan at kalusugan kung tayo ay palaging positibo, binabawasan nito ang ating depression, stress at anxiety. Ang kaligayahan ay makakamit natin kung tayo ay palaging positibo, kung tayo ay negatibo hindi natin makakamit ang kaligayahan sa buhay, alam naman natin na mahalaga na makamit ang kaligayahan sa buhay dahil kung walang ligaya ang buhay wala tayong dahilan upang ganahan pa na magpatuloy sa buhay. At kung positibo ka sa buhay lahat ng mga taong nasa paligid mo ay magiging positibo din.

3. " YESTERDAY IS NOT OURS TO RECOVER, BUT TOMORROW IS OURS TO WIN OR LOSE." 
-by. Lyndon B. Johnson
         Madalas natin iniisip ang mga bagay o pangyayari na tapos na, pero dapat natin maintindihan na ang mga bagay na tapos na ay hindi na natin maibabalik pa at hindi na natin mababago pa ang nakalipas na, pero ang magagawa nalang natin ay ayusin ang kasalukuyan at gawin ng mas maayos ang kinabukasan ng higit pa sa nakaraan. Ang mahalaga naman ay natuto ka sa iyong pagkakamali at sisiguraduhin mo na hindi na mauulit ang pagkakamali na iyon. Ang kinabukasan ay nasa kamay natin, ito ay nakadepende sa atin, nakadepende kung paano natin aayusin ang ating kasalukuyan para magkaroon tayo ng maayos na kinabukasan, nasa sa atin ito kung mananalo ba tayo o magpapatalo, huwag natin ubusin ang oras natin sa pag-iisip ng nakaraan dahil wala tayong kontrol dito, maaaring hindi naging maganda ang iyong nakaraan, ang mahalaga ay kung paano mo ito babaguhin upang magkaroon ka ng maayos na kinabukasan.

4. "IN ORDER TO CARRY A POSITIVE ACTION WE MUST DEVELOP HERE A POSITIVE VISION."
-by. Dalai Lama
          Ang positibong pananaw ay mahalagang batayan upang maging positibo ang iyong gawain at pag iisip. Kung titingnan natin ang buhay ng positibo at lahat ng negatibong bagay ay titingnan natin ng positibo magkakaroon tayo ng masayang pamumuhay. Ngunit ang pagiging positibo ay hindi madaling makamit lalo na sa pinakamalubhang sitwasyon sa buhay kailangan mo talaga ng matatag na kaisipan, subalit kung may gusto ka na makamit sa buhay kailangan mo na maging determinado at matatag sa anuman pinakamasamang sitwasyon ng buhay. Ang pagiging matatag, determinado, pagkakaroon ng tiwala sa sarili at lahat ng kailangan mo para magtagumpay sa buhay ay mula sa positibong daan na gagawin mo patungo sa buhay. At para mabuo ang pagiging positibo natin at upang lahat ng gagawin natin ay positibo din kailangan muna natin paunlarin ang ating positibong pananaw patungo sa buhay. Ang pananaw ay mahalaga at kailangan na mauna dahil kung makikita mo agad ang problema siguradong mananalo ka, mahalaga na mauna ang positibong pananaw.

5, "POSITIVE THINKING WILL LET YOU DO EVERYTHING BETTER THAN NEGATIVE THINKING WILL."
-by. Zig Ziglar
            Ang pag iisip ng negatibo ay hindi nakakatulong sa pag solusyon ng problema ngunit ang pag-iisip ng positibo ay nakakatulong sa atin para maging determinado at malakas ang loob, kaya dapat matutunan natin kung paano natin gagawing positibo ang lahat ng negatibo.

6. "PESSIMISM LEADS TO WEAKNESS, OPTIMISM TO POWER."
-by. William James
             Ang isang tao na mayroong negatibong pag-uugali ay nagiging mahina, nawawalan ng lakas ng loob, nawawalan ng pag-asa at sumusuko nalang sa buhay, ngunit ang isang tao na mayroong positibong pag-uugali ay malakas ang loob, hindi nawawalan ng pag-asa, hindi pinanghihinaan ng loob at palaging humahanap ng paraan at solusyon, sa halip na ubusin ang oras sa pag-aalala at pag-iisip ng hindi maganda ang isang taong may positibong pag-uugali ay inilalaan niya ang kanyang oras sa pag-hanap ng solusyon at hindi nawawalan ng pag asa na mayroon pang magandang magaganap. Alam naman natin na ang buhay ay hindi paraiso,  maraming kaganapan na maaaring mangyari sa ating buhay ngunit huwag na natin gawing mas mahirap ang ating pamumuhay, huwag na natin gawing miserable sa pag-iisip ng mga negatibo sa halip ay maging positibo at gawin nalang natin simple.

7. "THE THING THAT LIES AT THE FOUNDATION OF POSITIVE CHANGE, THE WAY I SEE IT, IS SERVICE TO A FELLOW HUMAN BEING."
-by. Lech Walesa
             Ang pagiging isang mabuting tao at pagtulong sa kapwa ay isang batayan upang maging positibo tayo at ang mga taong nasa paligid natin. Isang magandang gawain sa buhay ang tapat na pakikiramay sa kapwa, pagpapakita ng respeto, kababaang loob, pagsasabi ng mabubuti sa kapwa, pagtanaw ng utang na loob, pasasalamat, pagpapakumbaba, makatao, pagiging mabuting tao, pagbibigay ng ngiti at tapat na pagtulong, magiging matibay ang pundasyon ng positibong pag uugali at positibong pananaw ng isang tao kung isinasabuhay ang mga katangian na ito. Ang pagiging mabuti at pagtulong sa kapwa ay nakakapagbigay ng kasiyahan sa ating sarili at sa ating kapwa.

8. "YOU CAN'T MAKE POSITIVE CHOICES FOR THE REST OF YOUR LIFE WITHOUT AN ENVIRONMENT THAT MAKES THOSE CHOICES EASY, NATURAL, AND ENJOYABLE."
-by. Deepak Chopra
           Malaki ang impluwensya ng paligid natin sa ating pagkatao at sa pagpili ng ating desisyon, sabi nila kapag may gusto may paraan ngunit paano mo magagawa ang paraan na gusto mo kung salungat ito sa paligid mo? Tanggapin man natin o hindi, tayo ay produkto ng paligid natin, tayo ay madaling madala at maimpluwensyahan ng ating paligid, kung paano tayo kikilos at sasagot ay batay sa paligid natin, baguhin natin ang negatibong paligid natin na salungat sa positibong pag-uugali at pananaw natin, mas masaya, mas madali at mas simple ang buhay kung positibo din ang ating paligid.

9. "I ALWAYS LIKE TO LOOK ON THE OPTIMISTIC SIDE OF LIFE, BUT I AM REALISTIC ENOUGH TO KNOW THAT LIFE IS A COMPLEX MATTER."
-by. Walt Disney
             Alam naman natin na ang buhay ay masyadong komplikado, minsan masaya, minsan malungkot, minsan maayos, minsan magulo, sabi nga ng iba ang buhay ay parang gulong paikot ikot lang, ganyan ang realidad ng buhay pero ang pagiging positibo sa lahat ng sitwasyon ng buhay ang pinakamabuting paraan na dapat gawin patungo sa maayos na buhay. Tingnan natin ang buhay ng may mabuting pag asa na mayroong makatotohanang realidad upang tayo ay magtagumpay, kailangan natin tingnan ang kabutihan sa isang bagay at kailangan din natin maging praktikal at makatotohanan sa realidad ng buhay sa bawat sitwasyon, kung titingnan natin ng maganda ang isang bagay kailangan parin natin maging matalino na hindi mawawala ang mga pangyayaring hindi maganda, hindi maganda na magkaroon tayo ng maling pag-asa. Kailangan tingnan natin ang buhay ng may realidad at solusyunan ang problema ng praktikal at maging positibo sa resulta ng pagsusumikap.

10. "POSITIVE THINKING IS MORE THAN JUST A TAGLINE. IT CHANGES THE WAY WE BEHAVE. AND I FIRMLY BELIEVE THAT WHEN I AM POSITIVE, IT NOT ONLY MAKES ME BETTER, BUT IT ALSO MAKES THOSE AROUND ME BETTER."
-by. Harvey Mackay
              Ang ating paligid ay mayroong malakas na tungkulin sa paghugis ng ating pag uugali, gamitin natin ito bilang pribilehiyo sa paggawa ng mga positibong pagbabago sa buhay, kung mayroon tayong positibong pag iisip magiging positibo ang mga bagay na ating gagawin at kung tayo ay positibo sa lahat ng ating gawa pati narin ang nasa paligid natin ay magiging positibo, tayo ay magiging paligid sa ibang tao at ang ibang tao ay magiging paligid natin, kung tayo ay positibo makakapagbigay tayo ng positibong paligid sa ibang tao. 

11. "IN EVERY DAY, THERE ARE 1.440 MINUTES. THAT MEANS WE HAVE 1.440 DAILY OPPORTUNITIES TO MAKE A POSITIVE IMPACT."
-by. Les Brown
            Ang bawat araw ay regalo sa atin, regalo na kung saan ay hindi lang dapat natin iniingatan, dapat ay ginagamit din natin. Maraming mga oras na inaaksaya lamang natin, mga oras na pinapalipas lang, mga oras na nagdaan, naging araw, buwan at taon. Ang bawat araw ay puno ng regalo ng opportunidad na hindi dapat natin pinapalampas, dapat ay ginagamit natin at hindi dapat natin inuubos sa mga negatibong bagay, dapat ay ginagamit natin ito upang magtagumpay sa buhay, maging produktibo at determinado sa buhay, gamitin natin ang ating kakayahan sa bawat oras na binibigay sa atin, huwag natin sayangin, huwag natin hintayin na mayroong ibang gagawa nito para sa atin tayo mismo, huwag natin aksayahin ang bawat opportunidad at kung hindi man tayo magtagumpay sa una huwag tayong sumuko. Tandaan na maraming daan sa tagumpay.

12. "I'M A VERY POSITIVE THINKER, AND I THINK THAT IS WHAT HELPS ME THE MOST IN DIFFICULT MOMENTS."
-by. Roger Federer
            Ang isang taong nakakaranas ng positibong emosyon kagaya ng saya, pagmamahal at pagiging kontento ay mas malaki ang makikitang posibilidad sa buhay. Ang taong may positibong emosyon ay nagiging mas malawak ang posibilidad at nakakapag isip ng maraming alternatibong paraan at hindi madaling masiraan ng loob. Ang pag iisip palagi ng positibo ay maganda ngunit huwag sobra may mga pagkakataon sa buhay na hindi kailangan ng sobrang positibo lalo na sa pakikisimpatiya at pagluluksa.

13. "PERPETUAL OPTIMISM IS A FORCE MULTIPLIER."
-by. Colin Powell
            Ang ating isipan ay makapangyarihan kaya nitong gumawa ng limitasyon at magsisimula ka ng paniwalaan ang limitasyon na iyon na ginawa ng iyong isipan, ngunit kung magkakaroon ka ng walang hanggang paniniwala sa iyong sarili, kakayahan at layunin, at kung naniniwala ka na ito ay mananaig at iyong ninanasa at ikaw ay may kumpiyansa at lakas ng loob iyon ang magaganap. Kung naniniwala ka at inihanda mo ang iyong taga sunod, ang iyong taga sunod ay maniniwala din. Kung positibo ang iyong pananaw dapat ay positibo din ang iyong pag iisip at positibo din ang iyong gawain upang magkaroon ng positibong resulta. Tandaan na anumang sitwasyon kahit sa pinaka masama at pangit na sitwasyon dapat ay manaig ang walang hanggang  positibong paniniwala mo sa iyong sarili at sa iyong layunin.

14. "ATTITUDE IS A LITTLE THING THAT MAKES A BIG DIFFERENCE."
-by. Winston Churchill
             Ang pagkakaroon ng positibong pag uugali ay mayroong malaking kaibahan sa buhay, may mga taong nagtataas sayo at tumutulong sa iyo, mayroon din mga taong humihila sa iyo pababa at sumisira sa iyo, nakadepende sa iyo kung anong klase ng tao ang gusto mong nasa tabi mo. Ang ating pag uugali ang pumipili kung anong klase ng buhay natin. May mga tao na nakikita lang ay ang problema kahit naman ang solusyon ay nasa harap na nila, may mga tao na hindi nawawalan ng pag asa sa paghanap ng solusyon sa problema kahit na ang kapalaran ay salungat na sa kanila. Ang pagkakaroon ng positibong pag uugali ay daan para sa maayos at masaya na buhay ngunit ang pagkakaroon ng negatibong pag uugali ay daan para mawalan ka ng pag asa at sigla sa buhay, huwag natin pagtuunan ng pansin ang mga negatibong bagay.

15. "IF YOU WANT TO FIND HAPPINESS, FIND GRATITUDE."
-by. Steve Maraboli
             Sa buhay hindi dahil sa kaligayahan kung bakit tayo nagpapasalamat kundi sa pasasalamat natin kaya tayo ay maligaya. Ang pasasalamat ay lumilikha ng positibong emosyon kagaya ng kasiyahan, pagiging kontento, at pagmamahal. Magsimula ka sa maliit na bagay na dapat mong ipagpasalamat, simula sa maliit na bagay na iyon hanggang sa parami ng parami at maiisip mo na maswerte ka at marami ka na dapat ipagpasalamat, kung marunong tayo na magpasalamat at maging kontento at masaya kahit sa maliit na bagay kailanman ay hindi mananaig sa ating sarili ang pagkakaroon ng negatibong pag iisip. Napakaraming bagay na dapat natin ipagpasalamat hindi lamang natin pinapansin. 

         Bilang karagdagan magkaroon ka ng journal or diary, isulat mo ang mga bagay na ipinagpapasalamat mo at ang mga bagay o pangyayari na dahilan kung bakit ka masaya, isulat mo din ang mga quotes or favorite line na nabasa mo na makakatulong sa buhay mo, lahat ng mga positibo ay isulat mo, mga masasayang alaala, isipin mo at isulat mo iyong mga panahon na masaya ka, ang journal na iyon ay punuin mo lamang ng mga positibo at masaya. Ang pagkakaroon ng journal ay makakatulong sa iyo sa panahon na hindi ka masaya, down ka, hindi ka motivated, puno ng negative ang puso at isip mo, may mga panahon talaga na kahit anong laban natin sa negative pumapasok at pumapasok pa din sa isipan at pagkatao natin at kapag dumating ang panahon na iyon basahin mo ang journal mo..alalahanin mo ulit ang mga panahon na iyon hanggang sa manumbalik na ulit ang iyong positive side. At ang pinakahuli magdasal at SMILE.. "SMILE, THOUGH YOUR TOOTH IS ACHING.."
-by. YU MI

Comments

2 Comments