• Good News

Profile
RUSTON ROA

KAPAYAPAAN

KAPAYAPAAN 
By: Ruston Roa 

Simple lang ang pangarap niya
Makamit ang pangarap na maging sundalo
Protektahan ang kanyang kapwa
Tumulong at iligtas sa masama

Ngunit nang siyay
'y lumaki't naging binata
Nakita niya ang realidad
Tungkol sa pinapangarap niyang makamit
Ito ba ang para sa kanya? 

Nagkakasakitan, nagpapatayan kapwa tao
Akala na niya pangarap ni Mundo ang malaya
Ngunit nagkamali siya
Sapagkat iisa lang pala ang pangarap niya at natin. 

Explanation:
Kapag tinatanong natin kung anong pangarap ng mga batang kalalakihan, lagi nila sinasabi na nais nilang maging sundalo. Ngunit nakakalungkot isipin na ang mga kabataang ito ay hindi pa nila nakikita ang tunay na realidad patungkol sa kanilang minimithing pangarap gaya ng kaguluhan, digmaan, sakitan at kawalan ng dignidad. Sapagkat ang realidad, iba ang nakikita ng mga nakatatanda, mga armas, bomba, politika, awayan at marami pang iba. Mas mabuti pa nga kung habam buhay na lamang tayong bilang bata sapagkat di natin nakikita ang realidad. Nasasaktan tayo habang tayo lumalaki mula sa pagkabata dahil nakikita natin ang realidad. Sa huling linya na "Sapagkat iisa lang pala ang pangarap niya at natin." iisa lamang ang tinutukoy nito. At ito mismo ang pamagat ng tula. 

Comments

7 Comments
  • Red Albante
    Sep 02, 2020 00:44
    :)
  • AEGYO NEWS
    Sep 02, 2020 10:52
    😲
  • Joyce Sta. Ana
    Sep 02, 2020 08:42
    Nice!" target="_blank">https://www.goodinfonet.com/img/emoticons/heart.png'>Nice!