Sa mundong ating ginagalawan Mga mata'y nasa mga kabataan Isang hamong hinuhusga ang ating kakayanan Tinatanong kung ano ang maiaambag sa Kasalukuyan Sa kapwa, sa bayan, maging sa lipunan Pilit pinupuga ng mga salitang Walang katuturan, walang katotohanan. Minsay natanong ko rin sa sarili ko Ano ba ang kaya ko? Ano ba ang maiaambag ko? Ano nga ba ang maitutulong ko? Tama ba ang mga sabi-sabi ng mga taong ito? Mga tanong na ako lang ang syang makakabuo. Ngunit Isang araw, nagulat ako sa aking nasaksihan Pawang mga kabataan ang nakikita ko sa may unahan Hindi ko mawari kung ano ang kanilang pinagkakaabalahan Basta ang alam ko'y may ginagawa silang di' ko alam. Lumakad ako ng pasulong upang makita ang aksyon. Namumulot ng basura, nagtatanim ng mga puno, Nagbibigay aral at inspirasyon Sa kapwa kabataang may ambisyon. Tinanong ko sila kung bakit nila ito ginagawa, Sila ba'y naaawa o Wala lang magawa? Ang kanilang tugon, "Ito ang aming kontribusyong". Di halos ako makapagsalita Tila ba'y sinampal nang di inakala Katotohanan ang siyang ipinakita Oo, nakita ng aking mga mata Tunay at siyang kahanga-hanga. Isang araw ako'y nagising Bitbit ang puso't isipang gising na gising Kasama ang mabuting adhikain Magpalaganap ng tunay na mithiin Para sa mga Kabataang kailan may hindi pinansin. Makibagay, kumilos, at iparinig ang iyong adbokasiya Para sa Kabataang nakikinig na may dalang pag-asa. Huwag matakot sa anomang sasabihin ng iba Ang mahalaga ay nakatulong at may nagagawa ka! Ako at ikaw, sabay nating tutuparin ang ating adhikain Oo, Tama ang narinig mo..ikaw! Panahon nang gumising sa mahabang paghihimbing Panahon nang tumayo, ipalaganap nang matuling Panahon nang bumuka ng mga bibig kay tagal ng Sara Ito na Ang panahon upang ipakita at ipamulat sa madla Na may magagawa ka! Naniniwala ako na tayo ang bubuo ng mundo Nasa ating mga kamay Ang magiging mukha nito, Kabataang Pilipino, natatangi saan mang sulok ng mundo Patunay ng katatagan at hangaring pagbabago. Tulad ng istorya ng ating kasaysayan Binago ng mga taong may pangarap sa bayan Ang buhay ng tao sa kasalukuyan Binibigyang halaga ang bawat buhay ng kabataan At ngayon, panahon na para sila ay suklian Hindi sa pera o anomang karangalan Kundi sundan ang kanilang sinimulan Ipagpatuloy ang kanilang pinaglalaban. Tayo ang magiging bayani ng kasalukuyan at ng hinaharap Kaya't hawak kamay tayong mangangarap Para sa ating magiging pamilya at mga anak Na siyang bitbit at hawak-hawak Ng mga ala-alang hindi kaylanman mawasak-wasak. Sisimulan ko at sisimulan mo! Ang lahat ng pagbabagong ito Kumilos para sa kapwa-tao Ipagsabi na may magagawa tayo Sabay-sabay tutungo Sa Isang lugar na mala-paraiso Na lahat gawa at binuo ng Kabataang Pilipino. Ngayon, naiisip mo na ba ang pwede mong magawa? Mga adbokasiya o di kaya'y mga programa Na gusto mong ipamahagi sa iba? Gamitin mo ito bilang iyong ssndata Sa bawat hamon na iyong makakasalamuha Gabay ng Diyos, sayo'y itinalaga Mamumuno ng pantay at may konsensya Makabuluhang aral ang syang ibabandira. Ako si Clyde Almaden, Minsan nang nabulag na walang kayang magawa Ngunit, ngayo'y pursigidong may ipapakita Na ako'y Isang Kabataang may magagawa Sa puso't isipan pati kaluluwa Kampeon sa alin mang dako ng bansa Dahil ako'y, KKK, Kampeong Kabataan ng Kasalukuyan.
Comments