• Good News

Profile

Michael V, may update matapos magpositibo sa coronavirus

Nagbigay ng update ang komedyanteng si Michael V tungkol sa kanyang kalayan matapos na mag-positibo siya sa coronavirus.

Sa isang Instagram post nitong Biyernes, sinabi ni Michael V, o kilala rin sa tawag na Bitoy, na sumailalim siya sa X-ray nitong Huwebes para malaman kung mayroon siyang pulmonya o pneumonia.

Nagpasalamat din si Michael V sa patuloy na nagdarasal para sa kaligtasan niya at ng kanyang pamilya. 

"Gusto ko ring paalalahanan ang lahat na mag-ingat para wala kayong pagsisihan sa huli. Maging responsable at gawin ang lahat ng makakaya para hindi kayo mahawa o makahawa. Laging maging malinis sa paligid at pangangatawan. At lagi ring magsuot ng mask at PPE. Stay home everyone and stay safe," ani Michael V.

Matatandaang nito lamang Lunes, Hulyo 20, sa pamamagitan ng kanyang vlog ay ipinaalam ni Michael V sa publiko na nagpositibo siya sa coronavirus.

Aniya, nakaranas siya ng sintomas ng virus noong Hulyo 11 at nakumpirma ito nang sumailalim siya sa swab test.

Comments

1 Comments
  • Ron Cedric
    Jul 24, 2020 15:18
    Tiwala lang pinagdarasal ng lahat ang pagbuti ng kalagayan ni boss Michael V.