Sa Aking Mga Kabata BY: DR. JOSE RIZAL Kapagka ang baya’y sadyang umiibig Sa langit salitang kaloob ng langit Sanlang kalayaan nasa ring masapi Katulad ng ibong nasa himpapawid Pagka’t ang salita’y isang kahatulan Sa bayan, sa nayo’t mga kaharian At ang isang tao’y katulad, kabagay Ng alin mang likha noong kalayaan. Ang hindi magmahal sa kanyang salita Mahigit sa hayop at malansang isda Kaya ang marapat pagyamanin kusa Na tulad sa inang tunay na nagpala Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin, Sa Ingles, Kastila, at salitang anghel, Sapagkat ang Poong maalam tumingin Ang siyang naggagawad, nagbibigay sa atin. Ang salita nati’y tulad din sa iba Na may alfabeto at sariling letra, Na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa Ang lunday sa lawa noong dakong una. YAN YONG TULANG DI KO MALILIMUTAN MULA KAY DR. JOSE RIZAL!!!! MY FAVORITE NA TULA! Sa Aking Mga Kabata BY: DR. JOSE RIZAL
Comments