• Good News

Profile
Ru

#MYFIRST JOB

Ano nga ba ang Job? Para sa akin pag sinabing trabaho, ito yung pinagkakakitaan mo.  Kung saan binabayaran ang serbisyong ginawa mo. Kung saan ka nagkakapera sa malinis na paraan. Hindi lang professional work ang maikokonsidera na Job.  Ang pagiging, construction worker, yaya, katulong, labandera, tindera, mangangalakal etcetera lahat yan ay trabaho. 

Ang gusto kong ishare sa inyo ay hindi ang unang professional job ko. Kundi ang unang trabaho ko. Noong teenager ako bakasyon noon. Hephep hindi pa uso ang child labor. Ang first job ko ay “TINDARA NG PALAMIG, SIGARILYO’T KENDI sa plaza ng aming bayan. Yes you read it right. Ako po ay tindera. Muntik na akong maging takatak boys, ito yung mga batang lalaki na humahabol sa mga jeepney at nagtitinda ng sigarilyo sa kalsada, tinutuktok nila  ng barya yung side na kahoy na lagayan ng sigarilyo na kalong nila at tumutunog ito ng ‘takatak’.

Ang oras ng aking trabaho ay 1:30pm to 6:00pm. After lunch mula sa aming bahay isasakay namin ng tricycle ang lamesa at lahat ng paninda ko. Tapos ipwepwesto sa plaza kahilera ng kapwa ko tindero’t tindera. Mula 1:30 to 6:00 pm nasa plaza ako umulan at umaraw. Andiyan ung gumitna ako sa malaking payong na baon ko kasama ang lamesa, sigarilyo at palamig upang hindi mabasa ng ulan. May mga oras na ililipat ko ng pwesto yung lamesa dahil sa sobramg init ng araw. Pagdating ng ala-sais ng gabi isasakay ko uli ng tricycle, pauwi ng bahay ng amo ko at pauwi ng bahay namin. Minsan sinusundo ako ng mga kaibigan ko  lalo na sina Tony at Mar paminsan kasama nila si Salik at tinutulungan nila akong magligpit. 
Masaya ako sa first job ko nakakapagod man.

Isang hapon, “Magkano pasahod ng amo mo sayo? Tanong ng kalapit kong tindera.  Ang nakakatawa doon ito palang amo ko ay mababa ang bigay sa aking pasahod. Mas mataas ng sampung piso ang kita ng ibang tindera na kagaya ko kesa sa akin. Ganun ang turing sa kanila ng amo nila. Sabi niya ang baba naman ng binibigay sayo eh mataas na ang kalakalan ngayon. Oh dibah para kaming malaki ang kitain kung mag-usap. 
Unfair man pero inisip ko ang  dahilan kung bakit ako nagsusummer job. Fyi hindi pa ako pede sa fastfood since hindi pa ako 18 back then.
 The reason behind kung bakit ako ng summer job is for me to be able to go to Peryahan! Na may dalang pera na hindi ko hiningi kay Mama. Ang Mama ko na alam ko naming wala din palaging pera. Kaya ako nagtinda kasi para may “pangperya”. Ang simple ng dahilan ko noon. Simpleng dahilan na nagbibigay sa kain ng ngiti. Gagastusin ko sa peryahan ang sahod ko. Para may pangsakay ako ng rides lalo na sa paborito kong ‘Horror train’. Para hindi din ako kura ng kura sa mahal kong Ina. Yung kasing mga kaibigan ko may mga allowance sila kahit bakasyon. Isa pang dahillan ay para may pambili ako ng tagpipisong chichiria sa tindahan ni Aling Lita. Habang kami ay nakaistambay sa kalsada. Hindi ako mahilig manghingi sa kapwa ko bata unless na ishashare ng mga kalaro ko ang tagpipisong chichiria na kinakain nila. At syempre kunti lang ang pagkuha. Baka mapasobra. 

. Proud ako sa first job. Kasi ito yung nagpamulat sa akin na kailangan kong magsumikap, sa kabila ng kahirapan kailangan mong mangarap. Ito ang bahagi sa aking buhay na nasabi ko na kaya ko kahit sa mura kong katawan. Masayang isipin na kahit papanu nakaluwag si mama dahil hindi ako hihingi ng pera. Masarap isipin na kumita ako ng pera sa sarili kong lakas at pagsisikap. Dito ako nagsimulang mangarap na abutin ang mga gusto ko sa buhay. At higit sa lahat ito ang trabaho na nagkaroon ako ng compassion sa mga taong katulad ng ganito ang trabaho.  

	Mga taong sumisimbolo sa katatagan sa kabila ng kahirapan ay patuloy na lalaban para sa pangarap at patuloy na magsusumikap anuman ang kinakaharap.




Kawikaan 18:14a
“Ang maralitang nagsisikap ay mabuting di hamak"

Comments

0 Comments