• Good News

Profile
Just In

#MYFIRSTJOB Every Boy's Dream: Bantay ng Kompyuteran

Magandang Araw!
Ako si Justin Lian at ito ang aking karanasan sa pagbabantay ng kompyuteran (Interenet Café) para sa aking #MYFIRSTJOB.

Sa aking ikalawang taon sa Senior High School, ang aking pamilya ay muling naipit sa matinding kahirapan at ang aming pang araw-araw na pamumuhay ay masasabing nasa "peligro". Mayroong mga araw na pumapasok ako ng walang baon bukod sa aking pamasahe ngunit mayroon akong mabubuting kaibigan at kaklase na handang tumulong saakin. 
Dito na nga nila ako inalok na magbantay sa computer shop na nakasanayan naming paglaruan dahil kaibigan din naman ang may-ari. Noong una ay "Libreng Laro" lamang ang aking nakuha ngunit mabilis ding naging regular na trabaho na kumikita ng Php100.00 araw-araw. 
Madali ko itong naisabay sa aking pag-aaral dahil sa aking maluwag na Schedule. Tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes at nasa paaralan ako at ang mga natitirang araw sa Linggo ang ipinapasok ko sa aking trabaho. Sumatutal, ako ay kumikita ng Php400.00 linggo-linggo na syang aking pinambabaon sa eskwela.
Madali lamang ang aking trabaho, ako ang magbubukas ng shop tuwing alas-otso ng umaga (8:00am) at maglilinis, magpupunas ng alikabok at mga equipments. Ako rin yung nago-oras sa mga customer at tinatawag na "Kuya" ng bawat isa. Madalas kong naririnig ang mga katagang "Kuya! Pa extend pa po"
Nagsasagawa rin ako ng mga typing jobs at printing jobs at nagde-develop ng mga pictures. Naranasan ko ring mag remix ng mga kanta noong kapaskuhan para sa mga estudyante, guro, at mga empleyado na magsasagawa ng kani-kanilang Christmas Party. Dito ay nadadagdagan ang sweldo ko ng Php50.00 sa bawat isang remix. 
Sa pag uwi, mga bandang alas-otso ng gabi (8:00pm) ay pinipili ko nalang umuwi kahit may kalayuan ang aming tahanan para hindi na mabawasan ang aking sweldo.
Sa aking unang trabaho, marami akong nakilala at nakausap na iba't-ibang klase ng mga tao at nakatulong ito sa akin ng malaki upang maging matured at appreciative. Maraming salamat sa aking unang Boss na nagbigay saakin ng aking unang trabaho. Maraming salamat sa pagbabasa!

Comments

0 Comments