• Good News

Profile
Jennifer Padilla

Paano maging mabuting tao sa panahon ng Pandemya?

Paano nga ba maging mabuting tao sa panahon ng Pandemya? O sa mga panahong puno ng pagsubok?

Nagsimula ang pandemya na ito ng covid noong Marso ng taon na kasalukuyan. Hanggang sa kasalukuyan, hindi pa din natatapos. 

Paano ka nga naman magiging mabuting tao sa kapwa mo kung ikaw mismo ay hindi makaangat angat?

Sa panahon ngayon, ang simpleng pagsusuot ng face mask o ng face shield ay isa ng pagpapakita ng kabutihan sa kapwa. Bakit? Kapag nagsusuot ka ng face mask, pinoprotektahan mo ang sarili mo at ang ibang tao. Napakasimple kung tutuusin pero napakalaking bagay sa panahon ng pandemya. 

Be kind to one another. Iwasan ang malabis na pag-iisip ng masama sa kapwa. Magdasal. Kung hindi maganda ang sasabihin, tumahimik. Kung hindi makakatulong, huwag ng dumagdag sa problema. 

Piliin mo lagi na maging mabuting tao, kahit ang iba ay hindi nagiging mabuti. Sabi nga nila, "Always choose to be kind". 

Comments

0 Comments