• Good News

Profile
Mark Ivan Genosa

Paano nga ba yumaman?

Paano nga ba yumaman?

Sa panahon ngayon, kung saan ang lahat ay naghihikahos dahil sa pandemya, napakaraming "gimik" o paraan ang ginagawa ng tao upang makaraos.

Patok na patok ngayon ang online selling, food delivery, at kung anu ano pa. Ng dahil dito, madalas, napapatanong ang marami, paano nga ba ang yumaman? Paano ko ba maabot ang estado ng buhay kung saan hindi ko na kailangan pang mamroblema pag tungkol sa pera ang usapan. Halina't atin itong talakayin! 

Unang una, para maabot ang ganitong estado o mas kilala sa terminong "financial freedom," maganda munang malaman natin ang ating mga prayoridad. Maaaring ito ay ang pang gatas ni baby, pang paaral ni bunso, pangpahospital kay Lola at kung anu ano pa. Pangalawa, dapat rin nating alamin kung ano nga ba ang kapasidad nating bilang consumer. Sa isang buwan, magkano ba ang kinikita ko? Pangatlo, alamin natin ang pinatutunguhan ng ating pera. Napupunta ba ito sa pagkain, sa starbucks, sa sugal, sa ML, o sa kung anu ano pa.

Pagkatapos nating ma assess ang ating sitwasyon, saka tayo hahanap ng paraan para makaipon at yumaman. May dalawang paraan upang magawa ito. Una, pataasin ang kinikita sa pamamagitan ng pagsasideline, pag iinvest, pagnenegosyo at kung anu ano pa. Pwede rin nating bawasan ang ating mga gastusin ng sa gayon ay makaipon tayo ng mas malaki. 

"Ano namang gagawin ko sa ipon ko sir?" Well, pagkatapos mong makaipon, saka mo alamin kung anong balak mong pagkakitaan. Saan ka ba magaling? Ano ba ang bagay na sa tingin ml ay lamang ang iyong kaalaman. Maaaring marami kang alam sa mga bisikleta, edi, maginvest ka sa repair ang maintenance ng mga bisikleta. Maaari namang marami kang alam sa mga pagkain, edi magpatayo ka ng karinderya. Ang susi dito ay ang pagsisimula. Kesyo maliit o malaki man, ang mahalaga ay pinutol mo ang cycle ng pagkaalipin mo sa oras. Di ka nalang basta nagtatrabaho para makabayad ng bills. Nagtatrabaho ka para makahanap ng pag iinvestan ng sa ganun ay ang pera mo naman ang magtrabaho para sa iyo.

Pag nabago mo na ang pagiisip mo, at nakamit mo na ang tinatawag nilang, "Millionaire's mindset" then, ang pera ay kusang darating na sayo.

Magsumikap lang, kapatid! 

Comments

0 Comments