• Good News

Profile
Mark Ivan Genosa

PMA grad's message

Isang mensahe para sa lahat.

Ako si Mark Ivan Pasia Genosa at nais kong ipamahagi ang ilan sa mga natutunan ko sa aking pagkakadete.

5 years ago, I was a simple engineering student. One who had no plans of entering the military. In fact, maliban sa tatay ko, wala na akong background sa military. Hindi ako duman ng CAT or ROTC. Hanggang boy scout lang ang naabot ko.

Ayaw na ayaw ko talagang pumasok sa pagsusundalo. Aside from the fact na ayaw kong sumunod sa iba, nakita ko rin firsthand ang hirap at sakripisyo ng isang sundalo. Kulang na kulang talaga ang oras nila sa kanilang mga pamilya. Maalala ko pa noon, palipat lipat kami ng tinitirhan at paiba iba rin ang nagaalaga samin dahil na nga kung saan saan naaassign si Papa. Kaya sa isip isip ko, ayaw kong maranasan ng mga magiging anak ko yung mga naranasan ko. 

Nagbago lang ang lahat nung sinabihan ako ni Papa na subukan ang entrance exam ng Philippine Military Academy. Sa totoo lang, scam talaga yun! šŸ˜‚Nagsimula sa try ng written exam, tapos nung pumasa ako, itry ko naman daw kung physically fit ba ako. Hanggang sa napasa ko na ang lahat requirements at nilabas na ang listahan ng mga miyembro ng PMA Class of 2019. Wala na. Pasok na ako. Eto na talaga yun. Although this may have started rough, I learned to love it along the way rin naman leading to our first lesson.

Lesson #1: Sometimes, we need to be pushed by others for us to reach our fullest potential.

Noong makapasok ako ng akademya, wala na akong ibang inisip kung hindi ang makalabas. Ayaw ko talagang magsundalo. Sa isip isip ko nun, bakit ako susunod sa mga 'to eh hamak namang mas magaling ako sa kanila? Akala ko noon, alam ko na ang lahat. Ito rin ang dahilan kaya binalak kong magpadischarge. Pero kailanman, hindi pumasok sa isip kong magresign. Kaya ang performance ko nung mga panahon na yun, sobrang complacent. Eventually, as I learn to love my profession, my performance got better. I began to excel in all facets of training. I started to embrace my destiny,  and from there, excellence came out naturally.

Lesson #2: Love your profession and your work will become a thousand times easier.

I have so many expectations for myself which I, unfortunately, was not able to meet. I was an almost starman, an almost top 10, an almost Mathematics Plaque awardee and many more. The whole week, I was greeted with dismay and disdain for failing to live up to the hype. It was heartbreaking. More than not meeting my own expectations, it is failing to meet the expectation of others that hurt me the most.

Eventually, I learned to accept it. This experience has taught me that not everything will go as you planned. It will not always be a smooth sailing ride where what you want is what you get. Also, it taught me that behind every 'almost' is another obstacle just waiting to be pushed, that in every disappointment hides an opportunity, in every failure lies another room for growth. Once I accepted this, I began to enjoy my week and left the academy with the purest of smiles in my face.

Lesson #3: An 'almost' anything means that you are already near your goal. It is only up to you whether you will succumb to despair or you will keep pushing to reach that goal.

To end, there are a lot more lessons that this experience taught me. While it may not have been easy, it was designed that way since the tasks ahead are even more daunting. Sa labas, wala ng retake. Bawal ang magkamali. Dahil kung sa akademya ay may demerits at touring hours, sa labas, wala na. Buhay mo or buhay ng mga tropa mo na ang kapalit.

Bago ko tapusin ito, may mensahe lamang ako sa mga kapwa ko pilipino. Lahat tayo ay gusto ng mas maunlad na Pilipinas. Iba iba man ang ating pamamaraan, palagi nating balikan na iisang dugo lamang ang nananalaytay sa ating lahat. Kailanman ay hindi naging sagot ang dahas para makamit ang ating mga kagustuhan. Makipagdebate, makilahok sa mga diskusyon, mag rally kung talagang gusto, ngunit wag na wag sumali sa mga kilusang ang hangad lamang ay kapangyarihan. For the past 50 years, eto ang dahilan kung bakit napagiwanan na tayo ng mga karatig na bansa. Itigil na natin ito. Wag na nating pahirapan ang ating inang bayan na humihikbi habang pinapanuod ang kanyang mga anak na nagpapatayan. Pilipino kontra pilipino, kayumanggi laban sa kayumanggi, Juan, kailan ka ba matatauhan?

Palagi mong tandaan, Juan, lagi't lagi para sa bayan!

Nagmamahal,
2LT GENOSA PA
Iskolar ng bayan tulad mo
Mahal ang bayan, katulad mo rin.

Comments

0 Comments