Situations and opinions. Based on my experience 1. Boyfriend and girlfriend relationship - High school lovers - siyempre not all people are matured enough to have a strong relationship since high school going to forever. Mangingilan ilan lang ang mga nakikita kong forever na. May kabatch ako na until now na adults na kami, sila pa rin magkasama ngaun with kids na rin. Super strong love and hopefully will still be strong sa mga darating pang pagsubok. Ako ata nagkaroon ng boyfriends pa iba iba every year. Hindi naman sa dapat eh iba iba talga every year. Kundi nagkakataon talaga na hindi na nagwowork ang relationship namin. Siguro ang masasabi kong hindi ko makakalimutan ay yung 3rd year high school ex-boyfriend ko. Hindi sa gusto ko na siya pa rin forever in my heart sincce my husband and children na ako, kundi friend forever kase he taught me a lesson in life. He taught me to be matured, he taught me how to handle a relationship pa more stronger - to not give up on it. Kaya siguro til now hindi siya kalimot limot. But siyempre kung hindi kau nagbreak ng mga exes mo, hindi mo mahahanap yung true love mo. College Boyfriend - marami rin akong naka M.U this time, pero hindi nagiging kami, hanggang crush lang siguro sa isa't isat tapos after nun biglang magfafade kase parang hindi talaga magwowork ang lahat if maging kayo. Pero isa naging boyfriend ko this time. Masasabi kong without me (na may konting money or nagkakapera) hindi siguro kami magtatagal ng over 1 year. Feeling mo kase pinagpeperahan ka kase may money ka, always kain sa labas. hindi naman kami mayaman. Hindi naman kami sa university nag aaral. Nakipagbreak lang ako nung nagkawork na ako. kase wala na rin siyang effort to text me. Or makitext man lang. His reason are wala siyang pera, wala siyang load, Pero nakakpunta ng computer shop para makapag computer. So un ba ang walang pera db? then sasabihin niya na we should be strong sa relationship kahit anong problema dumating. And he wants to study again, pero since working na ako, he wants me to help him, support him with his studies pag walang padala sa kanya ang daddy niya. So ayaw ko naman ng ganun diba? Kase I have a sister na mag aaral din ng college. May magulang akong need suportahan lalo na sa mga gamot. Pati na rin sa food sa bahay. Hindi naman ganun kalaki sinesweldo ko kase newbie lang ako sa trabaho. So I gave him up. I chose my family over him kase hindi naman ako mayaman rin to support him. Baka mag away kami pagdating ng araw, isumbat sakin na hindi ko siya tinutulungan sa pag aaral niya. Pero bata pa kase ako nun. Batang isip rin. hehehehe. 1st time worker - May mga taong darating sa buhay mo na hindi mo inaasahan, crushes, fling at parang wala lang. While working need ko rin ng inspiration. 18 years old palang ako nun sa pinagwoworkan ko, siyempre karamihan ng makakasalamuha mo sa work is oldies na. 25 years old and above workers. So crush crush lang hanggang sa dun ko na nameet ang asawa ko. ayiieh! db? hahaha. Lagi ko kase pinagdarasal nun na kung sinong lalaki ang maipakilala ko sa family ko na magustuhan nila at pag pinakilala rin niya ako sa family niya at nagustuhan ako, it means siya na ang para sakin. Ayun nagkatotoo. And until now we are living together stronger. Maraming dumating na pagsubok sa buhay namin but we never gave up. I mean he never gave up on me. Alam mo un, kung gaano ka naging kasama sa kanya, anjan pa rin siya handang magpatawad dahil nagsumpaan kayo na sa hirap at ginhawa. Nalabag ko man ang isa sa utos ng diyos, Hindi pa rin niya ako iniwanan. Akala ko rin wala ng forever eh. Pero sa kanya meron pala. Tama rin yung let God be the center of your relationship, may mawala man sa landas, anjan pa rin si Lord ibabalik at ibabalik ka kung saan ka nagsimula para marealize mo na nagkakamali ka na, need mo na baguhin iyan. I'm super happy kase super mahal na mahal niya ako. And I love him too, so much!. And I thank God for this. without him wala ako sa kinatatayuan ko ngaun. Hanggang sa muli! Chao! Lalalove
Comments