Hi! Ako nga pala si vin! Gusto ko lang ibahagi ang aking karanasan sa buhay!. Sa tuwing may mga bagay akong kinakaharap, at alam kong mahirap. Gustong gusto ko umiyak pero hindi ko magawa, dahil natatakot ako na makita nila na umiiyak ako! Takot ako sabihan na mahina akong tao! Takot ako husgahan ng tao! Takot ako ilabas ang nararamdaman ko! Pero may natutunan akong magandang paraan para mailabas ko lahat ng sama ng nararamdaman ko! Nakikinig ako ng mga sad song, bakit? Kase gusto kong umiyak sa isang sulok ng bahay sa madilim na kwarto! Para mapagaan ang nararamdaman ko ! Pag katapos ko umiyak lalabas ulit ako na nakangit at may panibagong lakas ng loob para harapin sila na may masayang pag katao. Wag tayo matakot umiyak kasama saatin to para mapagaan ang nararamdaman natin! O mas mabuti kung kausapin natin ang atint mga magulang o asawa para doon mag labas ng nararamdaman at umiyak sa balikat niya lahat ng yan ay makakatulong saatin para mapabilis ang usad ng buhay natin Mag iingat kayong lahat!
Comments