• Good News

Profile
TENNE KHULTURE

SANA HINDI NA LANG

Di sana naging tayo 
Kung nong una palang nagsabi ka ng totoo, 
Di sana natin nasaktan ang isat isa kung sa simula palang alam na. 

Mahal! salamat sa passisinungaling mo. 
Naranasan kong matuto,  
Na di lahat ng laban ay kalaban laban.  
Na di lahat ng inaalagaan mo ay siyang magbibigay halaga sayo.  

Sana di na natin nakilala ang isat isa.  
Sana sa panahong nagtagpo tayong dalawa.
Yumuko at nilampasan ang sandaling nagkaisa ang ating mga mata.  

Mahirap tanggapin pero masayang makawala.
Masayang magmahal pero sana hindi ikaw.  
Ikaw na Prinsesa ng kasinungalingan sa mundo.  
Ikaw na anak ni Boy Tuso at Aling Kati.  

Magpakasaya ka sa lahi ng dugo mo.  
Makahanap ka sana ng taong katulad mo. 
Nang maramdaman mo ang sakit na dinanas ko sayo.  

Paalam na mahal masaya ako para sayo.  
Sayo na ang korona ng mga taong dapat iniiwan at hindi dapat pinagkakatiwalaan. 

Comments

0 Comments