Para sa mga taong nagtatanong kung bakit para bang pasan nila ang mundo, nawa'y mapanood nyo ito. Andito ka, hindi upang mahirapan Andito ka, hindi upang magdusa Andito ka, sapagkat mayroon ka pang dapat gawin at patunayan. Andito ka dahil may kailangan ka pang gawin, isang pagkakataon na hindi ibinibigay sa lahat ng tao. Ngayon, dahil may isa ka pang pagkakataon Nawa'y gamitin mo ito upang maging produktibo Gamitin mo ang oras mo upang mas maging kapaki-pakinabang Gawin mo ito hindi para sa iba Kundi para sa sarili mo. Gawin mo kung ano ang higit na makapagpapasaya sa iyo. Lahat ng tao sa mundo, ay may abilidad na mabuhay ng naayon sa sarili nilang pagpapasya. Abilidad kung saan hindi na kailangang sumunod pa sa kagustuhan ng iba. Bagay na hindi ginagawa ng karamihan sa atin. Hindi ka lang isang ama, Hindi ka lang empleyado, Hindi ka lang isang kapatid, Hindi ka lang isang anak, Hindi ka lang isang asawa, ina O nahatulan dahil sa kasalanan ng iba. Lahat ay may kanya-kanyang silbi sa mundong ating ginagalawan. Ikaw ay may malaking kontribusyon sa ikauunlad ng iyong komunidad, barangay, at maging sa ating bayan. Walang makapagdidikta ng iyong kapalaran o kakayahan, Walang taong makapagsasabing hindi mo kaya yan, Walang sino man ang nakakakita ng iyong tunay na kakayahan. Ikaw mismo, sa lahat ng tao sa mundo, Ang may kakayahang baguhin ang takbo ng iyong mundo. Ikaw mismo ang makapagsasabi kung ano ang nais mong unahin, kung ano ang tingin mong makakabuti sa iyo. Kailangan mo lang maniwala sa iyong kakayahan. Kailangan mo lang bigyan ng oras, Kailangan mo lang ng disiplina. Gawin mo ito araw-araw at makikita mong unti-unti kang gumagaling. Galing na hindi mo inakala.
Comments