Kamusta ka na? Ano nang estado mo sa pagkakataong ito? May nakakain ka pa ba o minsa’y nalilipasan na? Anong adhikain mo sa pagbangon mo tuwing umaga? Kung may trabaho ka pa, nakakapagod man o hindi, magpasalamat ka. Kung may nakakain ka pa, kulang man o labis, magpasalamat ka. Kung nakakagalaw ka pa, limitado man o masakit, magpasalamat ka. Kung nakakahinga ka pa, mabigat man o maalwan, magpasalamat ka. Napakahirap magitiwala, maging matatag at maging positibo. Pero gaya ng lagi nating sinasabi, "ang buhay ay parang gulong". Iikot itong muli, at doo'y babangon tayo. Tulad ng paglubog ng araw, na kinabukasan ay sisikat namang muli. Madaling sabihin, subalit mahirap isabuhay. Pero hindi rin naman masama kung patuloy tayong susubok. Laban lang kapatid, kabarkada, kapuso at kapamilya. At sa pag-ikot na ito ng ating mundo nawa ay magkakasama parin tayo. Kung humantong ka sa bahaging ito, lubos akong nagpapasalamat sa oras na iyong inilaan upang basahin ito. Ito man ay naaayon sa iyong interes o hindi, nawa ay may naibahagi akong nakapukaw ng iyong damdamin. Hiling ko na sana ay muli tayong magtagpo sa susunod kong mga sulat. Ingat!
Comments