May taho vendor pabang nadaan sa kalsada niyo? Kung meron pa, swerte niyo. Maraming narin mga alaala na kasama ang taho sa bawa't memorya. Mayroon ka na bang natutunan dahil dito? Mga natutunan ko sa mga Taho vendor ay yung pagpatuloy mo lang sa paglakbay mo. Sinisigaw nila na nagbebenta sila ng taho habang natuloy lang sa paglakad. Kung may interesadong bumile, kusa silang lalapet at kung hindi sila interesado, hindi sila lalapet. Ano nga ba ang matutunan natin sa bagay na iyon. Wala silang pinipilet na bumile at hinayaan lang nila kung ano ang mangyare. Hindi naman sa bawa't kalsada laging may bibile kaya naman kung wala, tuloy parin ang pagbenta. Marami na siguro sa atin ang nababahala sa mga pangyayari at marami na tayong pinipilet na mangyare. Maraming na siguro ang tumanggi sa atin o mga produkto na binibenta mo. Likas na sa mundo ang rejection. Nasa iyo ang desisyon kung tutuloy ka ba sa paglalakad o hihinto ka sa kalsadang walang bibile.
Comments