TANGA in Modern Way Masama ba ang word n "TANGA"? para sa iba oo masama ito, siguro bad word pa ito kung icacategorize ng iba diba? pero para sa akin eto ang word na hindi natin dapat katakutan, para sa akin ang salitang to ay nababago ang ibig sabihin depende sa isip ng taong gagamit nito, pwede mo tong pang down ng ibang tao, pwede tong gamitn pang describe sa ginawa ng ibang tao at higit sa lahat pwede rin itong maging "wake-up call" na salita upang mas marealize mo kung sino ang dapat mong samahan at ano ang dapat mo gawin. at ang buhay at napaka boring kung wala ang salitang to, BAKIT? you might ask, isipin mo lahat ng tao sa mundo alam na nila agad ang gagawin nila, walang curiosity at walang pagkakamali lahat matalino at lahat tama agad ang ginagawa pagka panganak palang sa kanya? ano ang itsura ng mundo natin nun? mukhang robotic na ang mundo natin at nasa loob tayo ng isang computer na hindi natin pwede gawin ang ibang bagay or baka nga hindi na natin maisip na gumawa ng ibang bagay dahil walang TANGA sa mundong ganun diba? kaya ang word na TANGA ay hindi dapat minamasama palagi dahil ito ang partner ng GROW natin as a human being, magkakamali man tayo pero alam na natin ang gagawin para hindi na maulit yun. Ngunit sa panahon ngayon umiba na ang karaniwang ibig sabihin ng TANGA sa mga tao sa mundong ito. ang word na TANGA ay sinasabi na sa taong ginagawa ang kakaiba sa paningin ng normal na karamihan. sinasabi na eto ng ibang tao sa kapwa niya dahil hindi karaniwan ang mga ginagawa niya o di kaya masyadong risky ang mga naisin ng taong"TANGA-kuno" sa paningin ng nakararami. at saan nag mula ang ganitong pananaw? siguro maraming pinag mulan eto sa mga panahong di na natin mabilang at mabanggit ngunit sa panahon ngayon may isang source na pinagmulan ng standard ng karamihan at yun ang "Social Media". Sa panahon ng social media maraming tao ang nabibigyan ng chance upang maipakita ang mga passion nila. At nakita nga natin na malaking bagay ang social media ngayon hindi lang sa entertainment na pamamaraan, nagagamit din natin eto sa mga balita, pag aaral, business at iba pa. Ngunit sa kabila ng kagandahan ng epekto ng social media hindi lahat ay nakakatulong sa mga tao. Minsan nagiging sanhi eto ng insecurity, paninirang puri, pagiging masyadong reliant sa social media, addiction at marami pang iba. Ngunit gusto kong pag tuunang pansin kung bakit nga ba nagiging source ng insecurity ang social media? Dahil nagkaroon ng mas kakaibang standard ang mga tao, kadalasang nakikita natin sa social media ang magagandang side lang ng mga taong inaabangan natin, at tayo naman ay laging humihiling na "sana ako din" at kung mamotivate man tayo sa mga napanuod natin, HALIMBAWA sa pag VLOG e itatry natin gawin ngunit hindi natin maiiwasan na mapaisip, anong ivavlog ko? hindi naman ako nakakatravel, walang magandang lugar dito sa lugar ko, wala akong interesting na gagawin, wlang nakakatawa at masayang sitwasyon ngayon, nasa sulok lang ako ng kwarto at hindi ako importante di gaya ng mga napapanuod ko sa youtube, instagram or facebook at wala akong magandang equipment. oh diba? at isama mo narin ang nahihiya ako mag VLOG sa harap ng ibang tao. hay naku! ang sakit na maisip na totoo itong mga to, na sa dapat na mainspire ka e lalo ka pa naiinsicure sa sitwasyon mo. Dahil nga naramdamn mo eto laging mong iniisip ano ang iniisip ng ibang tao pag ginawa ko ang bagay na ito? baka mag mukha akong TANGA sa paningin nila? at mas malala sinabihan ka pa na TANGA nung maishare mong gusto mo gawin ang naiisip mo, at mas malala ang mag sisimula ka palang e nag dududa ka na at ikaw na mismo ang nag sasabi sa sarili mo na mukhang TANGA pag ginawa mo yun. Masakit diba? pero totoo, minsan kailangan natin haraping ang katotohanan kahit mahirap at sana marealize natin na mas TANGA ka kung di mo gagawan at bahala na maging TANGA atleast ginagawa mo ang bagay na gusto mo. Kahit man maraming tao ang nag dududa na di mo kaya or tanga ka pag ginawa mo yang business na yan, tanga pag nag tiktok ka sa daan, tanga ka pag nag vlog ka sa maraming tao, tanga ka pag yan ang pangarap mo, KAHIT maraming tao ang mag sabi sayo nan edi let it be! hayaan mo na maging tanga ka sa mata nila kasi ginagawa mo yan para sayo at hindi para sa kanila at pag naging successful ka sa bagay na gusto mo ikaw ang makikinabang hindi sila at pag nag fail ka wag mo intindihin ang feedback nila dahil ang matututo ay ikaw hindi sila, sila ay hanggang tingin lang hanggang salita lang at hindi nila magawa ang bagay na gusto nila dahil insecure sila within sa sarili nila kaya gawin mo na nga lang ang gusto mo wag ka papatali sa sinasabi nila at wag ka matakot na mawalan ka ng kaibigan o ng malalapit sayo dahil lang hindi mo sinunod ang sinasabi nila na wag mo gawin yan at dapat ganito ka, dahil buhay mo ang hawak mo hindi ang buhay nila at hindi ka nila hawak, kaya hanggang buhay ka pa may pag asa pa maging TANGA sa paningin nila! maging TANGA ka sa harap nila dahil alam mo balang araw bubunga din yan at ikaw naman ang hahangaan nila. Ganito lang yan kung bibigyan ka ng dalawang sitwasyon, (1) na maging matalino ka sa harap ng ibang tao at balang araw masasabi mong ang tanga mo at hindi mo sinunod pangarap mo o (2) maging tanga ka ngayon sa harap nila at balang araw masasabi mong buti nalang at naging tanga ka sa mata nila at nakamit mo na lahat ng pangarap mo. Saan ang mas masarap maramdaman? ikaw na ang mag decide. sana nakatulong to sayo na muling marealize mo na kahit pag tawanan o siraan ka ng ibang tao basta gawin mo lang ang pangarap mo balang araw bubunga din yan at ikaw lang din ang makakatikim ng sariling tamis ng pinag hirapan mo. - Japheth Sam Albay
Comments