• Good News

Profile

There always cure for covid

Isa na namang magandang balita para sa ating mga kababayan! :) Nagtala po ng 100% recovery rate ang mga healthcare workers ng Sta. Ana Hospital na nag-positibo sa sakit na COVID-19. Ibig sabihin po, sa mga maliliit na kaparaanan ng Ospital at ng Pamahalaang Lungsod ay kahit papaano’y napaunlad po natin ang COVID-19 response ng Sta. Ana Hospital lalo na para sa mga medical frontliners nito. 

Binabati ko po si Sta. Ana Hospital Director Grace Padilla sampu ng kaniyang mga kawani dahil sa kanilang dedikasyon sa trabaho. Nawa’y mapagpatuloy natin ito at mapataas pa ang recovery rate sa gawi ng mga pasyente. 

Gayunman, hindi po tayo magiging kampante bagkus ay lalo lang nating palalakasin ang paglaban sa banta ng COVID-19 sa buong lungsod. May awa ang Diyos, makakaraos din po tayo. 

Manila, God First! ☝️

Comments

1 Comments
  • Kyungg
    Oct 02, 2020 17:54
    Thank God.🙏 Staysafe!💞