• Good News

ULAN

Isang dapit hapon
Dumidilim na naman ang kalangitan.
Aking naalala ang nakaraan,
Kahit na ako'y nasa kasalukuyan
Mahirap pa ding kalimutan.


Pumapatak na,
Ang tunog nito'y nakapanghihina.
Sa bawat patak nito,
Para kang luluha.


Ano ba?
Bakit ganito?
Gusto ko nang sumaya
Paano ba ko makakalaya?


May tumapik sa aking balikat,
Isang kaibigang tunay
Ako'y kanyang pinayuhan,
Hanggang sa ako'y matauhan.


Aking nang naintindihan,
Pagkatapos ng ulan may liwanag na nakaabang.
Panibagong buhay,
Kinabukasan ko'y sasaya na ng tunay.



https://www.bing.com/images/search?view=detailV2&ccid=5OdkXYUL&id=D8A5EDA75DEA58776AB877C83334C5BB315594EC&thid=OIP.5OdkXYULzlpvQcRw5iR53wHaEo&mediaurl=https%3a%2f%2fcdn.wallpapersafari.com%2f50%2f81%2fnvuiGe.jpg&exph=2400&expw=3840&q=4K+Rain&simid=608025450659514607&ck=D33ECAC6B749DA804DCAB9A13B60E64C&selectedindex=5&form=IRPRST&ajaxhist=0&first=1&scenario=ImageBasicHover

Comments

3 Comments