Anong tanong ang mahirap sagutin ? Maliban sa problem sa Math , para sa'kin ang "What If" na tanong ay mahirap sagutin. Bakit naman kaya ? Ganito kasi 'yan. Magbibigay ako ng halimbawa . Tanong : What if hindi mo siya iniwan noon ? Sa iba maaaring madali lang sagutin ... pero anong magiging sagot niyo? Kasi para sa'kin , kapag may 'what if' na ibig sabihin hindi mo siya nagawa talaga. I mean ... Naghahanap ka ng kasagutan na hindi ka naman sigurado kasi nga hindi mo siya ginawa. Hindi mo alam kung ano talaga 'yong totoong resulta at kapag hindi mo alam maaaring ang patutunguhan ay 'PAGSISISI'. Oo , pagsisisi kasi hindi mo nagawa ang isang bagay noong may pagkakataon ka pa upang hindi ka sana mabahala sa maaaring mangyari. Walang kasiguraduhan... Gets niyo ? š Kasi kahit pa may sagot ka sa tanong na may what if... hindi mo naman talaga alam kung ano 'yong magiging resulta talaga. Kaya maganda pa rin kung magawa mo ang gusto mong gawin basta wala kang maapakang iba (hindi literal š) para sa huli wala kang 'WHAT IF' at wala kang 'PAGSISISI' Yown lang naman. Kayo, ano naman ang pinakamahirap na tanong para sa inyo?
Comments