Magandang Araw, Calambeños! Minsan, okay lang magpahinga pagkatapos ay lumaban ka ulit! Ngayong buwan ng Setyembre ang World Suicide Prevention Day na taunang inoorganisa ng International Association for Suicide Prevention (IASP) kasama ang World Health Organization (WHO), upang mapalakas ang kampanya para sa maayos na kalusugang pangkaisipan o mental health wellness sa buong mundo. Isa ang social distancing sa mainam na paraan upang mabawasan ang pagkalat ng virus na COVID-19, ngunit hindi ito nangangahulugan na dapat na nating ilayo ang ating mga sarili sa mga kaibigan, kapamilya, o mga mahal natin sa buhay, may ilang mga paraan upang maabot natin sila. Ngayong Suicide Prevention Day, maglaan tayo ng panahon upang pakinggan, unawain, at damhin ang mga hinaing at pinagdadaanan ng ating mga mahal sa buhay. Gayundin, magbigay tayo ng oras para sa ating mga sarili. Ipakita natin ang pagdadamayan at pagtutulungan sa isa't isa. Keep safe and sane, Calambeños!
Comments